Kapitan Gil Meñez Mijares
Personality
District of Kalibo I
Isinilang sa Calivo, Capiz noong Setyembre 28, 1917 sa mag-asawang Rufino Baltazar Mijares at Magdalena Legaspi Meñez. Pangwalo sa 11 na magkakapatid na may pitóng babae at apat na lalaki. Nagtapos sa Patnubayang Paaralang Elementarya ng Kalibo (Kalibo Pilot Elementary School) na noo’y kilala bílang Paaralang Elementarya ng Kalibo.
Parang kasing tatag ng paaralan ang paninindigan na iaálay ang búhay pára sa bansa gaya ng sulat nito na may petsang Nobyembre 16, 1943 pára sa dáting Mayor ng Kalibo na si Atty. Rustico S. Quimpo:
“I would rather DIE, Tico, I would rather DIE! The word SURRENDER does not exist in the dictionary of a real guerrillero. The mission of our forces as imposed by GHQ must be executed, cost what it may in blood, sweat and tears. We die only once, Tico, and I WANT TO DIE A FREE FILIPINO.”
Tulad ng Patnubayang Paaralang Elementarya ng Kalibo, kahit abutin man ng ilang dantaon o siglo, buháy na buháy ang diwa ng anak nitong si Kapitan Mijares. At buong galak ang (Inang) paaralan na maisabuhay ang diwang makabansa na punô ng pag-asa ng malayang kasarinlan para sa kabataang Pilipino tungo sa bagong mundo.