Kapitan Gil Meñez Mijares
Category: Significant Personality
District: Kalibo I
Contents
I. BACKGROUND INFORMATION
Sinigang sa Calivo, Capiz noong Setyembre 28, 1917 sa mag-asawang Rufino Baltazar Mijares at Magdalena Legaspi Meñez. Pangwalo sa 11 na magkakapatid na may pitóng babae at apat na lalaki. Nagtapos sa Patnubayang Paaralang Elementarya ng Kalibo (Kalibo Pilot Elementary School) na noo’y kilala bílang Paaralang Elementarya ng Kalibo.
Parang kasing tatag ng paaralan ang paninindigan na iaálay ang búhay pára sa bansa gaya ng sulat nito na may petsang Nobyembre 16, 1943 pára sa dáting Mayor ng Kalibo na si Atty. Rustico S. Quimpo:
“I would rather DIE, Tico, I would rather DIE! The word SURRENDER does not exist in the dictionary of a real guerrillero. The mission of our forces as imposed by GHQ must be executed, cost what it may in blood, sweat and tears. We die only once, Tico, and I WANT TO DIE A FREE FILIPINO.”
Tulad ng Patnubayang Paaralang Elementarya ng Kalibo, kahit abutin man ng ilang dantaon o siglo, buháy na buháy ang diwa ng anak nitong si Kapitan Mijares. At buong galak ang (Inang) paaralan na maisabuhay ang diwang makabansa na punô ng pag-asa ng malayang kasarinlan para sa kabataang Pilipino tungo sa bagong mundo.
II. BIOGRAPHY
III. SIGNIFICANCE
Historical
Kinilala ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) bílang “Hero and Martyr to the Cause of Philippine Freedom.” Noong Hunyo 10, 1944 sa sulat ni Lt. Col. Braulio Villasis, CO 65th Infantry, “Capt. Mijares’ courage, gallantry, devotion to duty, unbounded loyalty and patriotism, and heroic sacrifice will live forever in the annals of the Philippines, United States, and World Military History. At nakapaloob ang buhay, kabayanihan, at katapangan ng batang Kapitan Mijares sa pag-aaral ng lokal na kasaysayan ng Kalibo.
Social
Itinalagang Regimental Adjutant ng 63rd at 64th Infantry, at kalauna’y sa 65th Infantry Combat Team ng Panay Guerrilla Forces. At kahit nahuli siya ng Hapon, matibay pa rin ang loob na manahimik kaysa magtatwa sa hukbo at sa bayan.